November 8, 2016: Ang Petsang Hindi Makakalimutan

2015-category-title-tambuli copy2016-post-featured-image-marcos-not-a-hero

Taong 2005 noong una akong bigyan ng pambihirang pagkakataon para makapagsulat para sa nakararami. Bilang Mass Communication student, ang pribilehiyong maging parte ng isang outlet na tulad ng student publication ay magkahalong kapangyarihan at responsibilidad. Ang mga panahong iyon ay mapanghamon para sa malayang pamamahayag sa loob ng aking pamantasan kaya hindi mo basta-basta masasabi ang mga bagay na gusto mo o ayaw mo. Sa dalawang taon ng pagiging miyembro ng school paper, masasabi kong nagamit ko ang mga ipinagkatiwalang espasyo sa akin para mabigyan ng kaalaman at maging boses ng mga estudyanteng takot na marinig ang hinaing sa noo’y makapangyarihang mga tao sa pamunuan ng unibersidad.

Tunay na karangalan para sa akin na maging mumunting lingkod ng demokrasya mula pa noong campus journalist pa ako at kahit hanggang ngayon na nakakapagsulat ako sa pamamagitan ng online social media. Ipinagpapasalamat ko ang pribilehiyong ito sa mga nag-alay ng buhay para maiparating ang kani-kanilang ideolohiya at adbokasiya upang maibalik ang demokrasya sa lipunan, lalo na sa libo-libong pwersahang kinitil ang buhay, nawalang katawan (literal na hindi pa nahahanap hanggang sa kasalukuyan) at binusalang bibig para kontrolin ang malayang pamamahayag noong panahon ng Martial Law, ang pinakamadilim na yugto ng ating kasaysayan na naganap sa sapilitang ikatlong termino ng dating pangulong Ferdinand Marcos. Kaya naging masakit para sa akin ang naging hatol ng nakararaming mahistrado ng Korte Suprema na ihimlay na sa wakas ang namayapang diktador sa Libingan ng mga Bayani noong ika-8 ng Nobyembre 2016.

sc-decision-marcos-burial-abscbnnews

Sila ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi malilimutan ang November 8, 2016 (ABS-CBN News)

Tanghali noon nang marinig ko ang balita ng pag-sang-ayon ng siyam na hukom ng Supreme Court sa Marcos burial. Sinubukan kong iwasan ang lahat ng balitang sumusulpot sa Facebook news feed ko pero tila ayaw ng tadhanang itago sa akin ang masakit na katotohanan. Para sa tulad kong naniniwala sa halaga ng ngayo’y tatlumpung taong gulang nating demokrasya, ang hatol na ilibing ang diktador sa tabi ng iba pang bayani ay matinding insulto sa mga taong ginamit ang pawis, panulat at dugo para ilabas ang Pilipinas sa bangungot na likha niya at ng kanyang mga kaalyado.

Nanaghoy ang puso ko sa pag-usad ng mga oras pagkatapos na ilabas ang desisyon na naging dahilan para sumama ang pakiramdam ko. Sa kabila niyon, naisip kong kailangan kong ipakita ang aking protesta at kailangan kong iparamdam ang aking pagkadismaya. Kahit pa hilong-hilo ay pinilit kong sumabay sa daloy ng social media na nagpo-post ng pinaghalo-halong galit, lungkot, panghihinayang at panlulumo sa tila pagwawalang-bahala ng punong sangay ng Hudikatura sa demokrasyang sila dapat ang nagpoprotekta. Nakakagigil ang mga dahilan ng mga pumabor na mahistrado at tulad ng marami, hindi malunok ng konsensya ko na tila iniba ng mismong mga punong tagapagtanggol ng katarungan ang kahulugan ng salitang bayani para lang mapagbigyan ang walang katuturang paglilibing ni FM sa himlayang hindi siya karapat-dapat.

Hindi ko itinatago na ang nananalaytay sa aking dugo ay Ilokano, ang mga magulang ko ay minsa’y mga lantarang Marcos loyalist at may mga kamag-anak akong kumampanya sa kandidatura ng pagka-bise presidente ni Bongbong Marcos. Sa kabila ng lahat ng iyon, hindi ko itinuring na idolo si Marcos ang buhay ko dahil lang pareho kaming Ilokano. Lumaki ako sa panahong unti-unting itinatayong muli ng bayan ang mga pundasyon ng demokrasya, lumaki sa lipunang umiikot sa napakaraming ideolohiya, relihiyon at politikal na pananaw. Namulat akong naririnig ang iba’t ibang opinyong katulad o kasalungat ng sa akin at mula doon ay namulat din ako sa pagbuo ng sarili kong prinsipyo. Lahat ng ginagawa ko ngayon ay nagagawa ko nang dahil sa demokrasyang muling binuhay ng mga bayaning nagtibag sa diktador na ngayon ay pinagsisiksikang kilalaning bayani sa pamamagitan ng paglilibing sa kanya ng pamilya niya sa Libingan ng mga Bayani. Ibaon man nila ang mga labi niya at bigyan ng “hero’s burial” sa isang sagradong himlayan, hindi nito maililibing ang naging hatol sa kanya ng kasaysayan na hindi kailanman mapapaganda ng tulad ng ginawa nila sa katawan niyang matagal nang naaagnas.

marcos-corpse-afp-photo

Ang tunay na itsura ng bangkay ng diktador. (Larawan mula sa Agence France Presse)

Masakit mang tanggapin na itatatak ang November 8, 2016 sa talambuhay ng ating bansa sa karima-rimarim na dahilan, binibigyan din tayo nito ng pagkakataon na palakasin pa ang panawagang huwag makalimot sa mga naidulot ng diktadurya sa Pilipinas. Huwag kakalimutan kung sino ang mga namatay, mga nadehado, mga nawawala at mga patuloy na nagpapatatag ng demokrasyang pinagbuwisan nila ng buhay. Huwag din nating kakalimutan ang mga kasabwat sa pagkagahaman, mga bumaluktot ng katotohanan upang bigyang rason ang mga kasalanan, at mga intensyunal na nagbura sa kanilang kamalayan ng mga naganap na karahasan. Higit sa lahat, huwag natin kakalimutan ang mga nakinabang sa kapangyarihan at kayamanan ng mga mamamayan, mga ginamit ang kapangyarihan para pwersahing ibahin ang takbo ng kasaysayan at ang mismong diktador na dahilan kung bakit dumausdos sa lugmok ang ating bayan.

 

AURORA-NEW-LOGO-2015 copy_small

 

 

REVIEW | Ang Babaeng Humayo [The Woman Who Left] (2016)

2015-category-title-review-film2016-poster-ang-babaeng-humayo

“Di mo ‘ko kilala. ‘Pag nakilala mo ako, matatakot ka.”

In a world where truth hides between kindness and darkness, there is no other way to reveal it than disguise in kindness in the midst of darkness. This is what Horacia Somarostro (Charo Santos-Concio) did when she found out the truth after thirty years of suffering inside the correctional because of a crime she did not commit in the first place.

A schoolteacher prior to her imprisonment, Horacia spends the first days of her restored freedom by planning to kill Rodrigo Trinidad (Michael de Mesa), a powerful man in a remote island town who used to be her ex-lover. Rodrigo was the mastermind behind her incarceration, according to a written confession by Horacia’s closest fellow inside the prison Petra (Sharmaine Centenera-Buencamino) before she killed herself. Petra was the real person who did the crime that they blamed to Horacia and it was done through Rodrigo’s orders. She wants to seek retribution by ending Rodrigo’s life in her own hands before finding for her lost son Junior who was last seen in the streets of Manila. There she becomes Renata, an owner of a small eatery by day and a gallant hoodlum who wanders in the streets by night. She makes friends with Mameng (Jean Judith Javier), a mentally-challenged street dweller and Kuba (Nonie Buencamino), a hunchbacked street vendor to gather pieces of details about Rodrigo’s whereabouts.

2016-review-pic-humayo-01

During her surveillance, she also met with Hollanda (John Lloyd Cruz), an epileptic transgender drag queen who roves around the town for hasty sexual encounters. Like Horacia’s tattoos inside her clothes, Hollanda has his own mysterious persona behind the fancy dress, three-inch-heeled shoes, fake boobs and make-up. Their coincidental connection leads them to an event where they finally get their desired outcome. As a gesture of his gratitude for Horacia’s fading kindness, Hollanda gunned down Rodrigo which makes him confine in permanent gloom inside the prison. On the other hand, Horacia, after embracing undeserved darkness for a long time attained unexpected light in Hollanda’s murder of Rodrigo. However, she has to enter into another chapter of darkness as she moves to Manila and throw her luck to track her beloved son.

Ang Babaeng Humayo (The Woman Who Left) was Lav Diaz’s one of the shortest yet most elaborate magnum opus to date. His way of writing Horacia’s journey can be compared to a heartbreaking literature: a compilation of real-life stories of a nation immortalized by fictional tales and deep poems.  Despite breaking his traditional slower-phased scenes that made his past films longer than traditional movies, he did not fail to pass on the same magic of realism and cinematic chiaroscuro in this almost 4-hour masterpiece. Some may criticize about Diaz’s continuity style but its unpredictable transfer from sequence to another makes the viewers adjust to the sudden change of emotions or mood of the story. He was able to sensibly integrate totally different eras, situations and perspectives when he applied Leo Tolstoy’s 1872 short story “God Sees The Truth But Waits” in a 1997 setting when the world was overwhelmed by events such as the historic Hong Kong turnover to China, the death of Princess Diana and Mother Teresa and the kidnapping crisis in the Philippines. With his flawless embroidery of Horacia’s journey, it seemed that the film becomes a more modern version of Diaz’s other critically-acclaimed film “Hele Sa Hiwagang Hapis” (A Lullaby To The Sorrowful Mystery) where history attempts to enlighten today’s society through realizations that people unintended or purposely ignore.

2016-review-pic-humayo-02

The public already expected to see a different Santos-Concio here but she still surprised the world in her more powerful performance as Horacia. She perfectly showed the main character’s enigmatic personas as she shifts from a caring storyteller, a compassionate old woman to a night-time heroine, and vice versa. Her encounters with all the characters were significantly remarkable as it all helped the story progressed slowly but crystal clear. Truly, like how Cruz described her in an interview, there was no trace of the “Ma’am Charo, the media giant executive” that Filipinos of this generation used to see on TV. Through Diaz’s directorial guidance and prowess, Ang Babaeng Humayo successfully awakened Santos-Concio’s “sleeping dragon” inside her that once made her Asia’s best actress in 1977.

Meanwhile, Cruz did not disappoint everyone in his portrayal as a she-male – a first in his nearly two-decade acting portfolio. Like Santos-Concio, he exceeded cineastes’ expectations his stunning performance in Hele which won the Silver Bear Alfred Bauer Prize at the Berlin International Film Festival last February. Supporting casts led by Javier, Buencamino, de Mesa effectively represented Filipinos of different social classes which never changed from 1997 up to this day. They personified the common beliefs and doubts in God’s existence, how faith shapes a country’s collective psyche and how people live in a society that is controlled by money and false hope.

2016-review-pic-humayo-03

While few media observers have seen Diaz’s collaboration with mainstream producers (Cinema One Originals, a film production outfit under a cable channel of ABS-CBN where Santos-Concio continues to serve as one of the top honchos) as threat to the very purpose of creating a platform for the real independent Filipino cinema, Ang Babaeng Humayo’s road to victory can actually be a great example of how liberal and traditional moviemakers should meet halfway to produce and/or promote a deserving work of art. Today, this successfully-crafted merger between the unconventional filmmaker and the powerful producer gave the Philippines its first Golden Lion trophy in the world’s oldest film festival, the Venice Film Festival. It is just a matter of harmonious negotiation and balanced interests, and surely, it will benefit not just the film but also the entire Philippine film industry that is trapped in a state where getting efficient government support in terms of funding and incentives remains a struggle.

2016-review-pic-humayo-04

2016-ratings-review-ang-babaeng-humayo

Title: ANG BABAENG HUMAYO
International Title: THE WOMAN WHO LEFT
Date of Release: SEPTEMBER 28, 2016 (PHILIPPINE PREMIERE)
Award: GOLDEN LION (BEST FILM), 73RD VENICE FILM FESTIVAL

Studio: SINE OLIVIA PILIPINAS and CINEMA ONE ORIGINALS
Director: LAV DIAZ
Writer: LAV DIAZ
Screenplay: LAV DIAZ
Executive Producers: RONALD ARGUELLES and LAVRENTE DIAZ

Cast:

HORACIA – CHARO SANTOS-CONCIO
HOLLANDA – JOHN LLOYD CRUZ
RODRIGO – MICHAEL DE MESA
KUBA – NONIE BUENCAMINO
MAMENG – JEAN JUDITH JAVIER
PETRA – SHARMAINE CENTENERA-BUENCAMINO
WARDEN – MAE PANER
MARJ LORICO

MAYEN ESTAÑERO
PAOLO RODRIGUEZ
ROMELYN SALE
CACAI BAUTISTA
JO-ANN ROQUIESTAS
JULIUS EMPREDO

AURORA-NEW-LOGO-2015 copy_small

 

“Ang boring talaga ng buhay kung wala si Miriam Defensor-Santiago.”

2015-category-title-tambuli copy2016-post-featured-image-senator-miriam-santiago.jpg

“Ang boring talaga ng buhay kung wala si Miriam Defensor-Santiago.”

September 29, 2016, Huwebes ng umaga. Kakasimula pa lang ng isang panibagong araw nang gulatin ang sambayanan ng isang malungkot na balita. Pumanaw na si Miriam Defensor-Santiago matapos ang matagal niyang pakikipaglaban sa sakit na lung cancer. Sa edad na 71, isa siya sa maituturing na pinakamakulay na personalidad sa mundo ng pulitika ng ating kasaysayan.

Marami man ang pumupuna sa kanyang mga “kabaliwan”, hindi maikakailang nasa likod ni Miriam ang napakaraming Pilipinong nagmamahal sa kanya. Para sa karamihan, isa siyang ina na kahit nagbubunganga ay may nadudulot na tama sa mga anak ng bayan. Isa siya sa mga pinagmumulan ng kaalaman at inspirasyon ng marami sa larangan ng pulitika, serbisyo publiko at paggawa ng mga polisiyang gagabay sa lahat sa loob man o labas ng bansa. Higit sa lahat, isa siya sa mga masasabing natitira sa hanay ng mga tunay na halal na bayan na matapang sa paninindigan, popular man ito o hindi sa mata ng kanyang mga pinaglilingkuran.

Laman si Miriam ng mga balita, seryoso man ito o may halong katatawanan. Isa sa mga ito ang show ni Lourd de Veyra na “Word of the Lourd (WOTL)”sa TV5 na inere noong Pebrero 2012. Pinamagatang “Miriam’s Greatest Hits”, isa itong compilation ng mga nakakaaliw na pahayag at patutsada ng senadora mula sa impeachment trial hanggang sa iba’t ibang Senate hearings. Sa huli, sinabi ni Lourd ang mga salitang para sa akin marahil ay isang katotohanan:

“Ang boring talaga ng buhay kung wala si Miriam Defensor-Santiago.”

Maaaring sa perspektibo ng marami ay isang “komedyante” si Miriam pero kung susuriing mabuti, ang talino niyang higit sa ating inaakala ang siyang nagpapanatili ng pagiging matino ng kinakain nang sistema ng bureaukrasya. Sa mga reklamo man niya’y matatawa ka, tangan nito ang matalinong sarkasmo kung saan ang malulupit na patama ay nasa likod ng mga nakakaaliw na mga salita. Iilan lang siya sa mga taong kakainisan mo pero patuloy mong susundan dahil alam mong marami siyang sinasabing may saysay kaysa ibang pulitikong kunwari’y matalino pero ipokrito.

Bukod pa rito, si Miriam ay kasama sa mga mabibilang lang natin sa kamay na beteranong personalidad na kayang makihalubilo sa bagong henerasyon ng mga Pilipino. Patunay nito ang mga survey na ginawa sa iba’t ibang unibersidad kung saan siya ang nanguna sa mga presidentiables noong nakaraang eleksyon. Dulot ito ng kanyang mga pick-up line na nagagawa niyang may sense para ipakita sa lahat na kahit ang humor ay dapat na matalino rin at hindi lang puro paninira. Sa mga ganitong bagay ay napapalapit sa mga kinabukasan ng bansa sa isang lingkod bayang dapat na pamarisan sa mga panahong nauubusan na ng mga pulitikong maikokonsidera nating ama o inang gabay sa tunay na pamahalaan.

Tunay ngang boring kung wala si Miriam sa ating kinalakhang buhay, at ngayong talagang wala na siya, hindi natin matitiyak kung magkakaroon pa sa salinlahing ito ng isa pang Miriam na seryoso sa pagsasaad ng paninindigan ngunit nakakapagbigay pa rin ng tuwa sa akmang pagkakataon. Nakakalungkot ang kanyang pagkamatay pero mas malungkot na pumanaw siya habang ang ating bansa ay hinahanap ang mga taong maaaring magpatuloy ng kanyang iniwanang karakter sa pulitika. Magkagayunman, nawa’y manatili ang kanyang presensya, dunong at legasiya, lalong lalo na sa mga kabataang namumuno at hinahandang mamuno sa ating lipunan.

“Ang boring talaga ng buhay kung wala si Miriam Defensor-Santiago.”

#SalamatMiriam #RIPMiriam

 

AURORA-NEW-LOGO-2015 copy_small