Pagbabalik-Tanaw: July 17, 2005

Kung magkaklase tayo noong kolehiyo, siguradong pagtatawanan ninyo ako sa kuwentong ito.

Habang naghihintay ng kuryente na pinaralisa ng bagyong Glenda ay sinubukan kong maghalungkat ng mga bagay-bagay sa isa sa mga cabinet namin. Sa hindi inaasahan ay natagpuan ko ang isang kulay brown na notebook na nakaipit sa tinago kong mahahalagang papel noong kolehiyo. May titulong “Daily Journal”, ang notebook na ito ay nagsilbing diary ko noong kalagitnaan ng 2005. Pinakahuling entry sa notebook na ito ay may petsang July 17 at habang binabasa ko ito’y natawa ako. Biglang bumalik sa aking gunita ang eksaktong “kilig” nung araw na iyon habang sinusulat ang mga pangyayaring iyon. Hayaan ninyong ibahagi ko ang mga ito.

(May konting editing lang dito para mas okay basahin. Hindi pa gaanong conscious sa sentence construction ang inyong lingkod noon. Hehe!)

Maganda ang handwriting ko noong college. Ngayon... anyare? LOL!

Maganda ang handwriting ko noong college. Ngayon… anyare? LOL!

July 17, 2005, Sunday

It’s Cinemalaya Day! Grabe! Excited na akong makapasok sa CCP dahil first time kong pumasok dito. Mag-isa lang akong pumunta doon dahil hindi ko na mahintay si Roselle. Ang usapan kasi namin, pupunta siya sa bahay para sabay kaming pumunta doon.

Tinanong ko na lang kay Tatay kung saan bababa kapag pupunta doon. After almost an hour ng biyahe, nakarating din ako doon at ako yata ang pinakaunang taga-PLM na dumating. Siguro mga quarter to 12:00 noon ay naroon na ako. Sa 30 minutes kong paglilibot sa CCP eh hindi ko na napansin ang pagdami ng tao at pagdating ng aking mga kaklase. Habang naglilibot ako para hanapin sila, nakita ko si Rogie… at kasama na naman niya si Wenno. Naka-pink shirt at naka-gel ang buhok (palagi kasi siyang naka-sumbrero eh!), ang guwapo-guwapo talaga ng bagong crush ko. Nang makita ko siya’y pinakilala ni Rogie si Wenno sa iba naming kaklase at nang nakita ako ni Wenno ay binati niya ako. Ilang sandali lang ay pinapila na kami para pumasok sa Little Theater kung saan gaganapin ang screening ng ICU Bed #7 at ng short film na “Blood Bank”.

After two hours ng panonood, matapos ang sobrang pagtawa sa palabas at panlalamig sa loob ng sinehan ay lumabas na kami. Hinintay ko sina Kaye Ann at DJ sa labas ng ladies CR at habang naghihintay ay nakita kong kumukuha ng kape si Wenno sa Nescafe booth. Pinuntahan ko siya’t tinanong ko siya kung libre at um-oo naman siya. Pinilit kong kumuha pero napakaraming tao ang gusto rin nito kaya humingi ako ng favor sa kanya na ikuha ako ng isang baso. Kinuha naman niya ako at binigyan niya rin ako ng sugar na nasa sachet. Nag-suggest pa siyang lagyan ko ng pinaghalong magkaibang cream (nakalimutan ko yung mga flavor) dahil masarap daw. Habang umiinom ng kape ay nagkuwentuhan muna kami. Talagang “chill na chill” raw siya sa sobrang lamig sa loob ng theater kaya siya uminom ng kape. Nang matapos siya sa first cup niya ay kumuha pa siya. Nasa kalagitnaan na siya ng kanyang second cup nang kumuha pa ako ng isa, and now with his suggestion of coffee with two cream flavors. Pero in fairness, masarap siya. Patuloy pa rin kaming nag-uusap at nasa 1/4 pa lang ng second cup ay kumuha na naman si Wenno ng kanyang third cup. Grabe siya magkape! Ang reason niya naman, nilalamig daw talaga siya at sa awa naman ng Diyos, bumalik na raw ang kanyang sigla at kulay. At salamat naman, lumabas na rin ang aking mga kasamang umuwi at lumabas na rin si Rogie na hinihintay ni Wenno. Kahit magkaiba na kami ng kakuwentuhan, nakita kong kumuha pa siya ng 4th cup.

Ilang minuto bago kami lumabas ng CCP at habang nakikipagkuwentuhan sa ibang kaklase ay bigla siyang lumapit sa akin para yayain akong magkape. Natawa na lang ako’t nagbiro dahil nakaapat na siya. Pero dahil sa totoong napakasarap ng kape ay nakatatlo pa ako. Nakita ako ni Wenno na nakaupo sa isang gilid at umiinom ng kanyang panglimang cup. Tinawanan ko siya, muling biniro at nagpaalam na. Ilang minuto lang ay lumabas na kami’t umuwi na. Ang iba nama’y pumunta pa sa Robinson’s para maglakwatsa, at siyempre, kasama si Wenno. Hindi na kami sumama ng iba naming kaklase dahil may pasok bukas at wala kasi akong pahinga kahapon dahil sa rally.

Hay naku! Ang gandang araw talaga nito kahit rest day! Sulit naman ang panonood ng ICU Bed #7 at napaka-momentous ng event na ito dahil first time kong nakapasok dito sa CCP. At siyempre, nakausap ko nang malapitan si Wenno. Hehe!

Mahilig akong mag-attach ng mga bagay na nakuha ko sa diary. At eto ang nakalagay para sa July 17, 2005.

Mahilig akong mag-attach ng mga bagay na nakuha ko sa diary. At eto ang nakalagay para sa July 17, 2005.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s