Hindi Ko Dama Ang Pagkatalo…

Habang tinitipa ko ang mga salitang ito’y nasa dikit na resulta ang botong natatanggap ng dalawang kandidato sa pagka-alkalde ng Maynila. Marami na ang nagsisuko, marami na ang nasayangan, may mga natuwa pero may mga taong patuloy pa ring naghihintay sa pinakahuling balotang darating sa main server ng Manila Board of Election Canvassers sa Ninoy Aquino Stadium.

Hindi malilimutang karanasan para sa akin ang halalang lokal ngayong taon. Unang-una, ngayon ko natutunang magtiwala at sumuporta nang buong puso sa mga taong nasa pulitika ng lungsod dahil pinatunayan nilang karapat-dapat silang pagkatiwalaan. Wala sa hinuha ko noon na maglilingkod ako sa pamahalaan katulad nila, ngunit dahil sa mga personalidad na ito’y naliwanagan ang puso ko na ang serbisyo publiko ay hindi lang parang pelikula o TV show na nagpapaaliw sa mga naghihikahos na sikmura, kundi totoong maka-Diyos at makabayang gawain para sa kapwa kong naghahangad din ng masaganang kinabukasan para sa Maynila.

Ang mga ito ang naging dahilan kung bakit ako nagdesisyong sumali sa panawagang dugtungan ang kanilang pagsisilbi bilang mga punong lungsod. Ang ikampanya sila para sa isa pang termino. Tulad ng iba, binigay ko ang aking natitirang oras upang iparamdam sa mga kapwa ko Manilenyo na nararapat silang bigyan ng panibagong pagkakataon upang maglingkod sa lahat. Pinaramdam ko kung ano ako ngayon nang dahil sa taong kinakampanya ko. Hindi tulad ng dati, lumalabas ako sa kalsada, bumubulyaw ng pagsuporta, nagsasalita nang may panghihikayat at may karangalang tinatayo ang aking sarili bilang taong naninindigan na ang mga taong ito ang dapat na mamuno sa pangunahing siyudad ng Pilipinas.

At dumating nga ang araw na ito, Mayo a trese, at mukhang hindi pabor sa panig namin ang eleksyong ito. Parang pakiramdam ko ay may balat ako sa puwet… (pinipilit ko lang magpatawa) … pero seryoso, tila masakit sa aking tapusin ang artikulong ito na sasabihing kung sa bilang ng boto ang pagbabasehan ay hindi pinalad ang minamahal naming Alkalde Alfredo S. Lim para sa kanyang huling termino.

Maaaring natalo si Mayor Lim sa bilang, pero hindi ko naramdaman na natalo siya sa lakas ng suporta. Saludo ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi na magreretiro na siya at tatanggapin nang buo ang desisyon ng nakararaming Manilenyo kapag hindi siya nagtagumpay sa halalang ito. Dito ko siya lubos na iniidolo.

Napakaswerte ko at ng maraming kabataang Manilenyo ang naging bahagi ng programa ng isa sa pinakamagaling na punong lungsod sa kasaysayan ng mundo. Sa aking sariling paraan ay ipagpapatuloy ko ang adkobasiyang itinanim sa akin ni Mayor Lim at sa aking sariling kakayahan ay pagyayamanin ko ang legasiyang kanyang iiwan para sa Maynila. Katulad ng aking ikinampanya, patuloy kong dadalhin ang kulay dilaw sa aking isip, puso at kamalayan. Patuloy akong lilingon sa pagsikat ng naninilaw na araw at patuloy na tatahakin ang tuwid na daan sa paraang alam ko.

Maligayang bati sa inihalal na bagong alkalde, Ginoong Joseph Ejercito Estrada at muling inihalal na bise-alkalde, Ginoong Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Nawa’y makita namin ang isang bagong mukha para sa lungsod naming mahal. Sa paraang alam ng kabataang Manilenyong hinubog ng aming minamahal na “Lolo” Fred, tutulong kami sa bagong administrasyon ng Maynila.

#iwearyellowlegacy

LIMLEGACY copy

7 thoughts on “Hindi Ko Dama Ang Pagkatalo…

  1. angelica asiodche says:

    the best talaga si mayor lim , alam ku mbti syang tao ako at kasama ang mga pamilya ko e buong.buo amg pag suporta skanya ! madami talaga syang nagawa sa maynila na madadama nang bwat manileno ! nakakalungkot lang isipin na hndi na sya mayor natin naniniwala ako na dpat sya pa din ang nkaupo bilang mayor , pagkabukas na pag kabukas ko nang fb madaming tutol ewan ko ba bkt madaming nag padala at di inisip ang prinsipyo bsta kmi sa puso namin mayor pa dn at madaming nag mamahal kay lim saludo aku dhl alam ku lumbn ka nang patas

  2. ALJAY D. CRUZ says:

    there’s always a reason🙂
    IDOL, okay na . Marami ka ng ginawa sa MAYNILA
    buong oras mo nilaan mo na , nagsakripisyo, nagtiyaga
    lahat ng panahon mo binuhos mo na para sa ikauunlad ng
    MAYNILA .

    Now oras naman nila . ang sa akin lang bumaba ka sa puwesto
    dala ang MABUTING MAYNILA . GOD KNOWS!
    siguro this time, ilaan mo na yung panahon at oras mo
    sa sarili mo😀 ENJOY your LIFE hindi yung puro sila ang iniisip .

    At the END they will conclude
    that in HISTORY of MANILA
    you are the one of the BEST MAYOR here in MAYNILA :)))
    MY IDOL ALFREDO SIOJO LIM

  3. GERARDO GAMEZ says:

    namangha ako sa yong mga pahayag,tulad mo ramdam ko ang iyong mga nadarama.natutuwa ako sa isang kabataang tulad mo na nangahas magpahayag ng saloobin, naibigay mo ang mensahe ng may bukas na kaisipan. isa kang KALMA… ang KAbataan ng Lunsod ng MAynila, maipapakita natin na tayo’y mabuting tagasunod ni mayor tularan ang mga mabubuting gawa, magmalasakit sa kapwa at maHALIN ANG LUNGSOD AT ANG BAYAN.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s