FAST POST #20: Ang Unang Sulat Mula Sa Utak Na Nahihilo Para Sa Pusong Nagpipigil Umibig Nang Totoo

November 16, 2012, Biyernes, 8:30 ng gabi

Aking puso,

Alam kong sa mga oras na ito’y kontento ka sa kapayapaang iyong natatamo at dahil dyan ay napakasaya ko. Nawa’y nasa kalmadong mood ka habang binabasa ang sulat ko. Lagi ka kasing nagpa-panic kapag pinagdi-diskusyunan natin ang tungkol sa lovelife e. Yung tipong yung pagtibok mo ay nagkakaroon ng impact sa buong sistema ng taong ito, malamang, kasama na pati ako.

Ilang beses na tayong nagtalo tungkol sa pag-ibig, pero ito yung unang beses na sinulatan kita upang ipaalam sa’yo ang laman ng aking isip. Wala talaga akong ganang magsulat pero pinilit kong buuin ang liham na ito para sa isang bagay. Malakas lang siguro ang loob ko kaya ko ginawa ito kaya sana’y damhin mo.

Sa ilang buwan na hindi mo iniinda ang pagmamahal nang totoo sa iilang taong nakakasalamuha mo. Ni hindi ka nagpapadala sa kalungkutan kung nakakaranas ka ng rejection o ikaw mismo ang nanre-reject sa taong alam ko namang karapat-dapat na bigyan ng pagkakataon para mahalin mo. Alam mo bang bigla akong nag-alala sa’yo? Kasama ba yan sa mga pagbabagong gusto mong i-apply sa taong ito? Sa palagay ko, hindi ka na nagiging fair.

Maraming taon din na ikaw ang naging dehado sa larangang ito. Nakasira pa nga sa imahe mo ang mga sitwasyon para lang masabi mong karapat-dapat kang mahalin, pero lahat ng iyon ay bigo. Umiyak ka, nasaktan, nagdusa sa sakit ng bigong pag-irog. Lahat ng pagsubok na iyon, sinamahan kita, hindi dahil wala akong choice, pero dahil magkaibigan tayo. May iilang pagkakataong naging masaya ka, pero aaminin ko, kasalanan ko yung mga dahilan kung bakit mo kelangang itigil ang mga kaligayahang iyon. Gusto lang kasing protektahan nun dahil naiisip kong masasaktan ka lang kung itutuloy mo iyon. Naisip kong mas mabuting umiyak ka na ngayon pa lang, kesa bigla kang lumagapak sa kalagitnaan ng langit na iyong nadarama. Humihingi ako ng tawad sa mga pangyayaring iyon.

Ngunit nitong mga nakaraan ay naninibago na ako sa’yo. Dati, halos isakripisyo mo ang iyong sarili para lang mahalin ng mga taong gusto mong mahalin, kahit masaktan ka, ayos lang. Pero bakit ngayong nakikita na ng mas marami ang pinakamahahalagang sangkap para sa isang taong nararapat mahalin, eh doon mo naman pinipigilan ang sarili mong umibig? Naka-focus ka na lang sa mga paraan para ma-improve ang taong ito sa kanyang pisikal na katayuan na dati’y di mo iniisip na dahilan kung bakit di ka gusto ng mga taong gusto mo. Naniniwala akong hindi ka pa ginagawang manhid ng inyong mga karanasan, pero pinaparamdam mo sa akin ngayon na ayaw mo nang magmahal dahil ayaw mo nang masaktan.

Lagi kitang iniisip, kaya sana, nais kong bumawi sa’yo at sana’y pakinggan mo pa rin ako sa pagkakataong ito. Subukan mong umibig muli dahil nariyan na siya – yung taong tanggap ka kahit ano pa ang itsura mo at topak mo. Alam ko yon kahit wala akong pandama. Huwag kang matakot dahil alam kong di ka nya sasaktan. Ilang beses na niyang pinapakita sa’yo na karapat-dapat kang mahalin kahit di mo baguhin ang anyo mo. Alam kong di buo ang kagustuhan mong papayatin at pakinisin ang taong ito para lang sa dahilang may magmahal na sa inyo nang tunay. Sapat ka na sa kung ano ka para makita ka ng nilalang na mag-aalaga sa’yo at sa taong ito. Sana, kahit di mo ito maisip, hinihiniling ko sa Diyos na maramdaman mo ito. Naghihintay lang siya sa’yo at sisiguraduhin kong maghihintay lang siya sa’yo.

Hihintayin ko ang iyong tugon, aking kaibigan.

Laging tapat at nag-aalala sa’yo,
Iyong utak.

(Nasa Fast Post ang artikulong ito dahil bigla na lang napaisip ang utak ng may-akda na tulungan ang puso ng may-akda na magmahal muli.)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s