FAST POST #13: “Anong Drama?”

[“Anong drama?” Ito ang isang comment na natanggap ko kagabi sa isang kaibigan nang mag-post ako sa Facebook tungkol sa “tampo” ko sa isang bagong kaibigan. Nakuha ko pang depensahan ang komento ng kaibigan kong ito, pero pagka-pindot ng enter key ay tila bigla akong nabuhusan ng tubig. Napahinto. Napaisip nang malalim. Bumuntong-hininga. Nauntog sa isang malaking katotohanan.]

***

Hindi ko maibigay yung eksaktong dahilan kung bakit ako naging emo (emotional or read: over sa pag-e-express ng emotions) pero tandang-tanda ko pa na nagsimula ang pagtaas ng drama levels ko noong December 2006. Ito ang unang pagkakataon na sumali ako sa “clan”, isang social networking trend gamit ang cellphone at na-in love sa taong sa cellphone ko lang nakakausap. (Sun Cellular pa lang ang carrier noon ng unlicall at unlitext) Seloso kasi ako kaya’t lahat ng kaartehan ay sinasabi ko at tinetext ko, kaya’t ang epekto nun ay nagagawa kong maging pa-sweet sa text at tawag kapag kausap ko siya.

Kung hindi ako nagkakamali ay nauso ang terminong emo noong mga bandang 2007 o 2008, na patungkol sa isang music format ng tugtog na umusbong mula sa alternative rock genre. Kasabay ng mga senti moment ko ay ang pagkahilig ko sa mga emo music, kaya’t binansagan ko na ang sarili ko na EMO mula noon. Sa paglago ng ganitong klaseng mga kanta, natanto kong unti-unti na rin palang lumalala ang kaemohan ko sa buong katauhan ko. Marami na akong nasirang pakikisama (kaibigan man, ka-flirt, ka-M.U. at mga past romantic relationship ko) dahil sa ganitong behavior ko. Napasama ang imahe ko sa maraming tao kapag umiiral ang pagiging emo sa maling lugar o sitwasyon. Pinilit kong dahan-dahang ibaba ang level ng pagiging emo ko, pero naging mahirap ito para sa akin lalo na noong naging libre ang paglalabas ng aking emo sentiments nang dahil sa Facebook at Twitter. Kahit ang blog kong ito’y nabuo dahil sa kaemohan ko sa pagiging hopeless romantic ko. (nakakatawa, nakakahiya pero yun ang totoo)

“Anong drama?” Ito ang isang comment na natanggap ko kagabi sa isang kaibigan nang mag-post ako sa Facebook tungkol sa “tampo” ko sa isang bagong kaibigan. Nakuha ko pang depensahan ang komento ng kaibigan kong ito, pero pagka-pindot ng enter key ay tila bigla akong nabuhusan ng tubig. Napahinto. Napaisip nang malalim. Bumuntong-hininga. Nauntog sa isang malaking katotohanan.

*PAALALA: Ang susunod na mga pangungusap ay maaaring maglaman ng mga kaemohan ng may-akda. Pakiunawa po. Maraming salamat.*

Malaya tayong nakakapagbulalas ng ating emosyon. Sa pamamagitan ng maraming pamamaraan ay naipaparamdam natin ang ating mga saloobin. Madalas, dahil libre nating gawin ito ay nakakalimutan nating mag-preno ng ating mga salita na ang nagiging resulta ay maaaring sakit o insulto sa mga taong pinatutungkulan/tatamaan nito. Tila para tayong nagiging kotseng sira ang preno na anumang oras ay pwedeng makaaksidente at makasakit ng mga tao.

Hindi naman talaga masamang magpaka-emo. Ngunit sa aking sitwasyon, na-realize ko na maraming beses akong umabuso sa pagiging emo ko. Maaaring naging daan ito upang mabuksan ang aking malikhaing puso’t kaisipan (tulad ng Aurora Metropolis), pero naging mitsa rin ito sa akin na maging sobrang sensitibo sa kung anong mga salita o kilos ang umaapekto sa akin. Tanda kong hindi ako sobrang sensitibo bago pumasok sa akin ang ganitong kaisipan. Marahil na rin siguro sa pagpipilit na magkaroon ng lovelife (hahaha) at pagiging sobrang involve sa pagkatao’t maging emosyon ng mga taong kinakaibigan/kaibigan/nagugustuhan/minamahal ko. Ganito rin ang epekto kapag ako’y binabalewala sa lahat ng bagay at sitwasyon na madalas kong ikinatatampo sa mga kinakaibigan/kaibigan/nagugustuhan/minamahal ko.

“Anong drama?” Naging alarm sa akin ang comment na iyon ng aking kaibigan (dahil na rin siguro na siya’y isa sa mga tumutulong sa akin upang palakasin ang pananampalataya ko sa Panginoon) na hanggang sa mga oras na ito’y malalim kong pinag-iisipan nang paulit-ulit. Dumating sa aking puso ang binabalak kong unti-unting “pagbabago” sa ganitong klaseng aspeto ng aking buhay. Ngunit sa huli, nitong gabi lang ay kinatok ni Hesus ang aking puso at hindi hinayaang masunod ang pagbabalak para sa aking sarili. Hahayaan ko Siyang gumawa ng paraan upang mabawasan ang pag-uugali kong ito.

Muli. Hindi masamang mag-emo. Ito ay nilalagay sa lugar at binabagayan ng sitwasyon. Ipapaayos ko sa Diyos ang preno ng aking puso upang gumanda ang daloy ng aking puso sa puso ng iba. Hindi naman talaga maaalis ang drama sa ating buhay. Ang importanteng pakatandaan natin sa lahat ay ang katotohanang hindi matinding bugso ng emosyon ang nararapat na lumabas sa ating puso, kundi pagmamahal sa kapwa, pag-unawa sa mga bagay-bagay at pananampalataya sa ating unang mahal, ang ating Panginoon.

6 thoughts on “FAST POST #13: “Anong Drama?”

  1. kayedee says:

    ngyun ko lng nalaman ang pinagmulan ng salitang emo🙂 but anyways. nkarelate ako dto s post mo girl. aktwali ang lahat ng tao may emo sa katawan. pro ung iba hnd lang masyado nilalabas kc nga nahihiya. isa akong emo blogger. kasi kadalasan at ka emohan ang sinusulat ko, which is, un naman talaga ang dahilan ko bakit ako nag blog. to express my emoness ahaha!! pero katulad ng sa blog at sa fb status, nag stop ako mag blog ng more than a yr dahil nahihiya nako mag post ng mga puro emo lang ahihi. even sa fb stat. hnd nako madalas mag post ng my kinalaman sa emotion ko at masydong emo. kasi naicp ko na nakakatawa at nakakahiya ung nlalaman ng buong mundo ang nangyyri at drama sa buhay ko.. naku ang dami ko ng nasabi. ahihihi.. pero girl ok lng mag emo, minsan kasi jan lumuluwag ang dibdib mo kapag nabibigatan kana🙂

  2. theworshipwarriorbride says:

    ayos! “Ngunit sa huli, nitong gabi lang ay kinatok ni Hesus ang aking puso at hindi hinayaang masunod ang pagbabalak para sa aking sarili. Hahayaan ko Siyang gumawa ng paraan upang mabawasan ang pag-uugali kong ito.”🙂

    Iyong ipagpatuloy hindi ang ka-emohan
    ngunit ang pananampalatayang iyong nasimulan🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s