FAST POST #12: Jessica Sanchez At Ang Patuloy Na Malawakang Diskriminasyon Sa Amerika

Maraming Pilipino ngayon, dito man sa Pilipinas o sa ibayong dagat, ay lantaran ang suporta para sa 16-year-old na si Jessica Sanchez na posibleng tanghaling ika-11 kampiyon ng “American Idol”. Maraming nagsasabi na malaki ang tsansa niyang mapanalunan ang titulo dahil sa simpatiyang nakuha nito sa kalakaran ng programa.

Napanood ko kanina sa isang panayam sa TV Patrol, sinabi ni Arnel Pineda na pinag-iingat niya si Jessica sa posibleng diskriminasyong kanyang maranasan habang siya ay nasa entablado ng kasikatan. Matatandaang naging frontman ng bandang Journey sa Arnel at hindi basta-basta ang ganoong komento mula sa isang Pilipinong minsang tumuntong sa industriya ng entertainment sa Amerika.

Ang diskriminasyon sa Estados Unidos ay tila kasintanda na ng kasaysayan ng bansang ito. Unang dinanas ng mga African-American na sinundan ng mga Asyano (kasama ang mga Pilipino) ang ganitong klaseng pagturing ng iilang mga Amerikano sa mga tulad nilang kaiba ang kulay. Resulta ito ng mentalidad na mataas ang tingin sa kanilang lahi at ang tingin nila sa ibang lahi ay mas mababa sa kanila. Naging isyu ito na umabot sa pandaigdigang pagtalakay at patuloy na nireresolba ng mga ahensiyang tulad ng United Nations.

Taglay ni Jessica ang katangian ng isang Idol, pero kung matalo man siya’y hindi na ito kaduda-duda. Ang resulta bukas ng umaga ang magpapatunay kung tanggap na ng Amerika ang pagtuntong ng isang Asyano o ng isang Pilipina sa pedestal ng mga sikat na mang-aawit ng kanilang bansa. Si Jessica ay isa nang idol sa puso ng marami, Pinoy man o hindi. May diskriminasyon man o wala, pinapatunayan ng isang tulad ni Jessica na kahit anuman ang lahi mo at kulay mo, hindi namimili ang Diyos ng pagbibigyan ng talento.

Lahat tayo ay Kanyang nilikha at lahat tayo ay biniyayaan ng ganitong mga kakayahan dahil pantay-pantay tayong lahat sa Kanyang paningin.

5 thoughts on “FAST POST #12: Jessica Sanchez At Ang Patuloy Na Malawakang Diskriminasyon Sa Amerika

  1. mhako says:

    kea nais namin na manalo si jessica ng sa gunon ay mapatunayan ng hindi lang sila ang pinag kalooban ng magagandang talento lahat tayo ay karapatan na ipakita ityo sa buong mundo

  2. Alfred says:

    let’s not forget that she’s also Mexican-American.. and the Mexican population in America is quite big, so there’s really a chance..and even without it, we already know who the true winner is… Go Jessica! I know you’ll win! ^_^

  3. kayedee says:

    sa aking pansin. naitayo na rin ng mga pilipino ang ating bansa sa labas ng pilipinas. maging sa estados unidos. kaya less na din ang discrimanation. insecurities na ang minsan. dahil lalo sa mga employment basis, maraming employer na mas gusto ang mga pilipino kaysa sa ibang lahi. and besides. pilipino and mexican ang hatak ni jessica so may pag asa🙂

  4. LOIDA says:

    Di na ko nagtataka sa result ng American Idol – Season 11🙂
    I have nothing against AMERICANS ,In fact HANGA ako sa kanila kasi they we’re truly united pagdating sa Pagboto at pagsuporta sa lahi nila UNLIKE DITO SATEN ! SA PILIPINAS ! Karamihan sa mga REALITY GAME SHOW na ang pangalan ay MAY “PINOY” pa man din pero Madalas pa Manalo ang may mga FOREIGN BLOOD !! to name some , SURVIVOR PHILIPPINES WINNERS Amanda Colley Van Cooll AND AKIHIRO SATO . sa PBB namn JAMES REID !! BAKET KAYA ? KASI ANG PROBLEMA nasa mga “ILANG” PILIPINO na
    makita lang na may ITSURA ung FOREIGNER halos ibuhos na buong buhay MANALO lang ung bet nia . Ni walang pagdadalawang isip na mas DAPAT suportahan nia ung KAPWA niya PINOY ! PURONG PINOY ! hays , naaawa ako sa pwedeng mangyari sa PILIPINAS kung palaging ganito ang mangyayari :(( , just A FREEDOM OF EXPRESSION !!! booooom ! hehe ————> LOIDA🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s