Ang Spratlys Ay Para Sa Pilipinas. Sana Maisip Ito Ng China.

Ito ay isang pananaw na nagpaparating ng aking bugso ng damdamin bilang isang Pilipinong lumalaban para sa diplomatikong karapatan ng aking bansa. Humihingi na agad ako ng paumanhin sa mga kaibigan kong Tsino at Tsinoy na makakabasa’t makakaintindi ng lathalaing ito kung makakapagbanggit man ako ng mga sitwasyong sangkot kayo at lahing pinagmulan ninyo. Ito ay isang simpleng sanaysay ng mga masasakit na katotohanang kailangang pag-isipan at mapagtanto ng pamahalaan ng Republika ng mga Mamamayan ng Tsina. Ito sana’y lubos ninyong maunawaan dahil alam kong kahit singkit ang inyong mga mata, maputi ang inyong balat at ganap ang pagka-Tsino sa inyong buong panlabas ng katauhan, may dugong Pilipino na rin ang dumadaloy sa inyong sistema. Umaasa ako ng inyong simpatiya ukol dito.

 

+++

 

Maraming taon na’ng pinagdidiskusyunan ang pagmamay-ari sa isang maliit na grupo ng mga isla sa West Philippine Sea na diumano’y may malaking deposito ng langis at enerhiya. Ang Spratly Group of Islands o ang Kalayaan Group of Islands – isang pulutong ng mga pirasong lupa na bahagyang makikita kapag low tide at nawawala sa paningin kapag high tide – pero magkagayunman ay pinag-aagawan ng mga bansang nakapaligid sa karagatang dati’y tinatawag na South China Sea. Sa lahat ng nakikiagaw na bansa, ang hindi ko maintindihan ay ang pakikisali ng bansang Tsina sa pang-aangkin ng Spratlys. Paano? Bakit? Ano ang gusto nilang ipamukha sa atin?

 

Daan-daang taon na ang tagal ng pinagsamahan ng Tsina at Pilipinas sa napakaraming larangan ng buhay. Para sa atin, hindi na lamang basta-basta dayuhan ang tingin natin sa kanilang mga mamamayan kundi bahagi na rin ng ating kasaysayan at kultura. Milyun-milyong patunay ang nagpapakita ng impluwensiyang ito – sa pagkain, sa pilosopiya, sa pagpapatakbo ng mga negosyo’t industriya at marami pang iba.

 

Pero sa likod ng makulay na pagkakapatiran ng dalawang bansa sa matagal na panahon, hindi nito natakpan ang mga masasaklap na di-pagkakasundo ng mga Tsino at Pilipino sa napakaraming pagkakataon. Nariyan ang mga isyu ng pisikal na pang-aapi, pambabastos sa pagkakakilanlan ng mga pinagmamalaki nilang lahi, banggaan ng mga pinaniniwalaan at pagwaksi sa mga di magandang gawain ng isa’t isa. Marami sa mga ito ang muntikan nang makasira sa magandang diplomatiko’t pang-ekonomiyang ugnayan ng Tsina at Pilipinas, pero sabi nga ng marami, mas mahalaga pa rin ang matagal nang pinagsamahan kaysa pagtalunan ang mga bagay na maaari namang pag-usapan at solusyunan.

 

Tulad ng sabi ko kanina, hindi na dayuhan ang tingin natin sa mga Tsino. Sila ang mga pangunahing namumuhunan sa ekonomiya ng Pilipinas kaya’t bukas-palad natin silang tinatanggap sa ating lupain. Marami nang Tsino ang dito na nanirahan, nagkaanak, bumuo ng pamilya’t namuhunan sa kanilang mga negosyo. Ang iba nga sa kanila’y nakilala na dahil sa pagiging primera klaseng negosyante ng ating bansa. Sino ba ang mga may-ari ng SM, Robinson’s, Philippine Airlines, Manila Bulletin, 168 at ng napakarami pang malalaking korporasyon?

 

Kung tutuusin, mga Tsino ang pangunahing nagpapatakbo ng komersyo sa Pilipinas. Pero sa kabila nito, inaabuso ng iilan sa kanila ang kalayaang binibigay natin sa kanila. Kontraktwalisasyon, labis na oras ng trabaho, kulang sa non-wage benefits, at minsan pa’y sinasamantala ang kahirapan, ang ating pagiging mabait at masipag para maitawid ang kanilang mga gawaing hindi naaayon sa batas ng Republika. Hinahayaan nating pagalawain sa kanilang mga palad ang kapalaran ng ating mga kakayahan para lang maging progresibo ang ating ekonomiya. Ang iba pa sa kanila ay malayang nakakapasok ng bansa nang walang kaukulang dokumento. Sila pa ang may layang gumawa ng mga ilegal na aktibidad at mismong mga inosenteng Pilipino pa ang kanilang ginagamit upang isakatuparan ang mga ito.

 

Ang isyu ng pag-agaw ng Tsina sa Spratlys ay isang sitwasyong nagdadala sa aking hinala na tila gusto nilang sakupin ang ating lupain. Mukhang nais nilang ulitin ang ginawa sa atin noon ng Espanya at Amerika, na kahit milya-milya ang layo sa atin ay kinokonsidera nila tayong kolonya. Mahigit 500 NM ang distansya ng Tsina mula sa Spratlys. Ito ay sobrang layo kung ikukumpara sa distansya natin dito na 80 NM LANG ang layo mula sa Palawan. Ayon pa sa United Nations Convention on Law of the Seas, lahat ng nasasakupan ng 200 NM mula sa kalupaan ng bansa ay PAMAMAHALAAN AT PANGANGALAGAAN NG PAMAHALAAN NG REPUBLIKA NG PILIPINAS. Ibig lang sabihin nito, PASOK sa territorial jurisdiction natin ang Spratlys.

 

Kung ang pang-aangkin nilang ito ay kabayaran sa mga tinulong ng kanilang pamahalaan at ng kanilang mga mamamayan sa loob ng napakaraming taon, ito ay hindi katanggap-tanggap na dahilan. Gayundin, kung ang masyadong pagtutulak nila na mapasakanila ang Spratlys ay kabayaran sa mga nangyari sa Manila Hostage Crisis noong isang taon at ang pag-aangkat ng droga ng mga Pilipinong kanilang binitay sa kanila noong Marso, hindi pa rin ito sapat na kadahilanan. Noon pa man, sila ang unang tumuntong sa lupain natin upang ikalakal sa ibang lahi ang kanilang mga produkto. Ang mga mamamayan nila ang pumapasok sa mga gawaing di-kaaya-aya na pati Pilipino o kung sinumang nangangailangan ay dinadamay nila sa mga ito. Ang masakit pa, ang mga nadadamay ang nagbabayad sa kanilang kasalanan at tuluyang nagpapalayo sa kanilang mga pamilya na narito sa bansa. Sila ang dumadayo rito kaya’t sila ang dapat sumunod sa pinapairal nating batas at sa mga pandaigdigang batas na sinusunod din natin.

 

Walang humpay ang pasasalamat natin dahil isa ang Tsina sa mga nagdala sa Pilipinas sa modernong pamumuhay ngayon at sa mga susunod pang panahon. Maaaring nakagawa sila ng monopolyo ng negosyo sa ating bansa na nagkakaroon naman ng magagandang epekto sa buhay nating mga Pilipino. Pero sa usapang pananakop ng teritoryo, sana, maisip ng Tsina na wala na tayo sa panahong barbaro na nananakop ng mga lupain upang makahuthot ng kayamanang hindi para sa kanila. Lubos ang kapangyarihang pampulitikal at kakayahang pangmilitar ng Tsina, kumpara sa atin na ang pinanghahawakan lang ay ligal na kasunduang pang-teritoryal at paanyayang magkaroon ng pag-uusap sa isang maayos na diplomatikong pamamaraan.

 

Sana maisip ng Tsina na ang Spratlys, kung ito man ay may tinatagong ‘kayamanan’, at kung pinapahalagahan nila ang pagkakaibigang meron sila ng ating bansa, ay dapat na nilang ibalato sa atin dahil atin talaga ito at tayo ang mas nangangailangan ng mga ito.

 

 

June 15, 2011.11:49am

30 thoughts on “Ang Spratlys Ay Para Sa Pilipinas. Sana Maisip Ito Ng China.

  1. jovanie says:

    tama…at sana maisip ng ating mga pinuno na wag magpasakop dahil sayang yung oil dyan tulad sa sabah kaya yumaman ang malaysia…dahil sa oil..bilyon2x ang kinikita nila dahil dito..

  2. Ronnibel Ventura says:

    kung law of the seas ang pagbabasehan ay atin nga ang spratlys. kung ito ay di igagalang ng tsina e dapat natin tindigan ito sa united nations kc isa cla sa mga signatories dyan db? kung langis ang pakay nila e bakit d sila maghanap sa sarili nilang lupa at coastal areas? i hope, the truth will prevail. 7101 islands, plus more are discovered and named in other provinces along coastal areas. that is why we called island Philippines….300 years in bondage from the hands of spaniards, bought by americans for hundreds thousand of dollars, suffer heavy damage and devastations of world war II from the ambitious dreams of japanese imperial army. we stand together as one free nation to protect our integrity and liberty from those recorded historic colonial times. Now, we could stand together once and for all in peaceful diplomatic way, in good faith with God as our Leader…. God bless us all….

  3. rex-:) says:

    Yeah that’s right!..They are now claiming spratlys since they have something to get there..if i know kung wla lng cguro clang makunang langis doon, they might never mind that place..mga chinese talaga, kakalerkeeeeeeeeeee…..

  4. lee orale says:

    tama un, atin tlga ang lupain na un dhil ilang milya lng ang lau ng spratlys d2 sa pinas, tang inang mga chinese goverment yan eh.. matatalino sa pera nd sa pagkakaibigan eh….

  5. Peter says:

    Si Fedinand Marcos may pinirmahang Presidential decree no. 1596
    na nag sasabing ang Spratly Island ay parte ng Pilipinas bilang munisipalidad
    ng probinsya ng Palawan noong Jun 11, 1978

  6. irene says:

    napakaramot talaga ng mga chinese porke ba mababa lang ung singil nila saten sa divisoria, ganun na sila?? grabe ha!! taasan na nila ung singil ng mga chechebureche nilang tinitinda sa divisoria wag lang sila mag angkin!! hmpp… love ko pa nman ung china… ganda kase dun eh… plus gooodd foods.. yummy… hehe

  7. Francis says:

    May China see and realize the shame it is embracing for if not God…when God moves no SuperPower may stand! China, don’t fight the Heavens! God is far more powerful than you…your warships, fighter planes, nuclear war heads and money! Your just a dust in the hands of the Almighty God!

  8. Francis says:

    China (the wicked leaders only representing China) is too arrogant and cunningly deceptive! May you be disciplined by the Most High for you are oppressing a country who is not able to fight back on its own! May God strip you of your power and put you down because of your arrogance! Until you see the horrors of your doing and submit and repent before God!

    May the godly Chinese people and leaders be spared and be blessed by the Holy One!

    Lord, cause them to see you, and may China find mercy and salvation in you!

    Arise Oh God! Arise and expand your dominion in the hearts of these people!

  9. catalino says:

    alam ng tao ang tamang katwiran pero binabaluktot nila ito dahil sa kanilang kasakiman. ganyan po ang china… kung ako po ang unang naging ama ng lahat ng pilipino sinusigurado ko po sa inyo na walang pinoy na kargador sa divisoria at alilang kanin dahil sa sobrang di makataong pasahod ng mga kupal na insik… bukod pa diyan di mamomonipolyo ng insik ang kalakalan sa pilipinas…. lahat puro made in china? o my gosh pilipinas pa ba to. sa una pa lang lilimitahan ko na makapasok ang mga insik di to sa pinas bakit? sentido komon lang po mga kababayang pilipino, kasi ang mga supertitious belief nila o ng mga insik ay nagpapatunay na sila ay mga ganid na lahi at ito ay laban sa Diyos. tingnan ninyo, may palakang nakakagat ng pera, may kumakaway na pusa , may bilog na octagonal na sinasabit sa pinto ng bahay. yan po ay ilan lamang sa patunay na sila ay walang paniniwala sa tunay na Lumikha. kung ang mga ninuno natin sana ay naging matalino at naging mapagmahal sa pagkapantay -pantay, sana naramdaman nila na ang lahing insik na kanilang tinanggap dito sa pilipinas ay mga sakim. nukeleyar weapon, jet fighter, submarine, air craft carrier,mga missiles, destroyer etc. ay kailangan ng pilipinas para labanan ang china dahil sinusigurado ko hindi titigil ang china para nakawin at agawin ang ating teritoryo….ang tanong ko pilipinas pa ba ang aking bayan, bakit? kasi puro made in china ang nakikita ko… ang tanong ko pilipino pa ba ako, bakit? kasi di ako makakita ng trabaho dahil kulang o halos walang pabrika dito sa pilipinas… putang ina ninyo mga pulitiko, ang kakapal ng mukha ninyo wala kayong pagmamahal sa bayan, sa halip na ipagpatayo natin ng pabrika ang sobrang pera sa kaban bayan, tulad ng pagawaan ng sasakyan, mga kagamitan sa pagmimina, mga eroplano, barko, ,electronics, house appliances, sari saring pabrika, at paglalaan ng pondo para research and development at transfer of technology, ano ang ginagawa ninyo puro kurakot. WE MUST FIGHT AGAINST CHINA IN ANY FORM OF WAR TO HURT THEM DEEPLY. please boycot china product. //////TANGKILIKIN NATIN ANG GAWANG PINOY//// MARAMING SALAMAT PO AT PAGPALAIN NAWA PO TAYO NG POONG MAYKAPAL

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s