Welcomeback Sa Beki World!

Sa araw na ito, hindi ko muna piniling mag-post ng tula, kuwento o sanaysay dito sa Aurora Metropolis (isa sa mga dahilan ay punung-puno ng mental block ang utak ko.) May mga bagay kasi akong naisip nitong mga nakaraang araw tungkol sa pagiging bakla. Wirdo man sa akin, pero may hakbang akong ginawa na maaaring makasama ulit sa akin bilang ako na isang baklang may hinihinging pagbabago sa sarili.

May binalikan akong isang bahagi ng aking buhay sa nakaraan, pero hindi ito tao. Isang kabanata sa buhay na iniwanan ko, humigit-kumulang tatlong buwan na ang lumipas. Hindi man ganun katagal, pero sa tingin ko’y handa na ulit akong harapin ang iniwanan kong mundo – ang daigdig na minsang nagpabago sa akin sa aspetong emosyonal, mental at propesyonal.

Nangako ako, na sa aking pagbabalik ay matututo na akong kumalma. Babawasan ang kung anumang mga pag-uugaling inayawan ng marami sa akin noon. Magiging kalmado sa paggamit ng puso na hindi hihigit sa kapasidad ng aking utak.

Oo. Bumalik na ako sa mundo ng mga beki. At sa tingin ko, handang-handa na akong harapin silang muli sa aking bagong bihis, bagong karakter. Kung makabubuti man, maganda – sobrang ganda. Dahil luluwag na ako sa pagtanggap na hindi ako perpekto at walang sinuman ang perpekto na puwedeng mag-alipusta sa pagkatao ko bilang beki.

Welcomeback sa beki world. LoL

July 25, 2010 3:34am Imus, Cavite

LemOrven

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s