Isang Dahilan Kung Bakit May Dalawang Lalaking Nagho-“Holding Hands” In Public.

Magandang araw! Ang tulang ito ay hinahandog sa mga gay couple na may lakas ng loob na ipakita ang kanilang pagmamahalan sa isa’t isa. Marami akong kilalang ganito, at minsan ko na ring nagawa ang bagay na ‘to. (nakakatawang maalala… XD) Proud ako kasi, minsan sa buhay ko, may ipinagmalaki akong pag-ibig na alam kong pinag-alayan ko nang buong puso. Sana’y magustuhan ninyo!

HOLDING HANDS

lubos na pananabik

at di-maipaliwanag na saya

ang aming pakiramdam

sa tuwing nagkikita kami

pagsasama’y hindi dapat ikahiya

dahil tadhana namin ay

hindi maikakailang higit

sa isandaang i love you

o libu-libong kahilingan

at sobra pa

sa maituturing na kaibigang tunay

hawak ang aming kapalaran

ang aming mga palad na

inuugnay ng mabuting samahan

ay hindi hahayaang kumawala

sa isa’t isa at buong tapang

na haharap sa lipunang walang alam

kundi ang manghusga

kami ay buong-pusong nag-aasam

ng bendisyon mula

kay Hesus, kay Bathala, at maging kay Allah

upang kami’y maging ipagpala

at laging maging masaya dahil

batid naming alam Niya

na tapat at tunay kaming nagmamahalan

June 19, 2010, 3:51 pm

LemOrven

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s