Pagsisimula: Isang Araw Ng Panliligaw

Magandang araw sa lahat ng makakabasa ng Aurora Metropolis.

Marami na po akong nagawang blog accounts sa iba’t ibang blog site sa cyberspace. Pero napagdesisyunan ko po na (sana) eto na ang pinakapormal na blog site ng inyong lingkod.

Nilikha ko po ang Aurora Metropolis para sa mga katulad ko po, isang Pilipinong may ispesyal na pagkatao at kakayahan na nararapat nang matanggap ng lipunan sa ngayon – ang third sex – ang LGBT community – ang grupo ng mga homosexual.

Hindi po lingid sa ating kaalaman na ang kakayahan ng mga kabilang sa third sex ay bukod-tangi, datapwa’t marami pa ang hindi tumatanggap sa kung ano ang kayang gawin at dapat kalagyan nito para igalang ng nakararami.

Nawa’y sa pamamagitan ng blog account na ito  ay magsilbing magandang instrumento para makatulong na ihain sa mga kapwa natin Pilipino ang ilang mga kadahilanan kung bakit dapat bigyan ng tamang pagpapahalaga ang mga taong ito. Dahil aminin na natin, ang grupo ng ikatlong kasarian sa bansang ito ang isa sa mga nag-aangat ng kultura ng bansang ito.

At bilang panimula ng Aurora Metropolis, narito po ang handog kong tula na aking isinulat noong ika-2 ng Hunyo 2010, at unang nailathala sa aking Facebook account (http://www.facebook.com/LemOrven) noong ika-5 ng Hunyo 2010. Nawa’y magustuhan po ninyo.

ISANG ARAW NG PANLILIGAW

Bawat haplos sa kaibutura’y
tila tula ng panunuyo.
Pag-indayog ng mga katawa’y
tila isang salsa ng panliligaw.
Sigaw ng mga damdami’y
tila harana ng pagsusumamo.
Sayaw sa magdamaga’y
tila isang makahulugang pag-uulayaw.

Pumikit at humiga
sa dilim ng kakaibang pananahimik.
Binuo ng mga halikan at bulungan
ang kanilang nag-aalab na pananabik.
Mula sa kuwartong pula
na tanging laman ay kama.
Isang sandali lang na nadarama’y
pinili nilang ninanasa.

Sa bagong bukang-liwayway ay magkakaalaman,
ang yakap sa paggising nga ba’y magiging tuluyan?
Nagkakilala lamang sa gabing puno ng kasiyahan,
Sa isang tingin lang ba’y dapat nang magkaigihan.

… kahit kayo’y may iisang katauhan
at may iisang uri ng katawan.

LemOrven

3 thoughts on “Pagsisimula: Isang Araw Ng Panliligaw

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s